[ REPUBLIC ACT NO. 7426, April 14, 1992 ]

ISANG BATAS NA BUMABAGO SA PAMBAYANG PAGAMUTAN SA BAYAN NG NAMPICUAN, LALAWIGAN NG NWEBA ESIHA, NA MAGING ISANG PANGKALUSUGANG TANGGAPAN NA MAY LIMANG KAMA, NA TATAWAGING PANGKALUSUGANG TANGGAPAN NG NAMPICUAN, AT NAGLALAAN NG PONDO PARA DITO

Dapat pagtibayin ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na ngayon at nagpupulong:

SEKSYON 1. Ang pambayang pagamutan sa Bayan ng Nampicuan, Lalawigan ng Nweba Esiha, ay binabago sa pamamagitan ng Batas na ito na maging isang pangkalusugang tanggapan na may limang kama, na tatawaging Pangkalusugang Tanggapan ng Nampicuan.1âшphi1

SEKSYON 2. Ang halagang kakailanganin upang ipatupad ang mga probisyon ng Batas na ito ay isasama sa Batas ng Pangkalahatang Gugulin sa susunod na taon matapos pagtibayin ang Batas na ito at sa iba pang sumusunod na taon pagkaraan nito.

SEKSYON 3. Ang Batas na ito ay magkakabisa sa sandaling mapagtibay.

Pinagtibay,

(Sgd.) NEPTALI A. GONZALES
President of the Senate
(Sgd.) RAMON V. MITRA
Speaker of the House of Representatives
This Act which originated in the House of Representatives was finally passed by the House of Representatives and the Senate on October 17, 1991 and February 3, 1992, respectively.
(Sgd.) ANACLETO D. BADOY, JR.
Secretary of the Senate
(Sgd.) CAMILO L. SABIO
Secretary General House of Representatives

Approved: APRIL 14, 1992

(Sgd.) CORAZON C. AQUINO
President of the Philippines


The Lawphil Project - Arellano Law Foundation