[ REPUBLIC ACT NO. 7425, April 14, 1992 ]
ISANG BATAS NA BUMABAGO SA PAMBAYANG PAGAMUTAN SA BAYAN NG CUYAPO, LALAWIGAN NG NWEBA ESIHA, NA MAGING ISANG PANGKALUSUGANG TANGGAPAN NA MAY LIMANG KAMA, NA TATAWAGING PANGKALUSUGANG TANGGAPAN NG CUYAPO, AT NAGLALAAN NG PONDO PARA DITO
Dapat pagtibayin ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na ngayon ay nagpupulong:
SEKSYON 1. Ang pambayang pagamutan sa Bayan ng Cuyapo, Lalawigan ng Nweba Esiha, ay binabago sa pamamagitan ng Batas na ito na maging isang pangkalusugang tanggapan na may limang kama, na tatawaging Pangkalusugang Tanggapan ng Aliaga.1âшphi1
SEKSYON 2. Ang halagang kakailanganin upang ipatupad ang mga probisyon ng Batas na ito ay isasama sa Batas ng Pangkalahatang Guugulin sa susunod na taon matapos pagtibayin ang Batas na ito at sa iba pang sumusunod na taon pagkaraan nito.
Section 3. Ang Batas na ito ay magkakabisa sa sandaling pagtibayin.
Pinagtibay,
(Sgd.) NEPTALI A. GONZALES President of the Senate |
(Sgd.) RAMON V. MITRA Speaker of the House of Representatives |
This Act which originated in the House of Representatives was finally passed by the House of Representatives and the Senate on October 2, 1991 and February 3, 1992, respectively. |
(Sgd.) ANACLETO D. BADOY, JR. Secretary of the Senate |
(Sgd.) CAMILO L. SABIO Secretary General House of Representatives |
Approved: APRIL 14, 1992
(Sgd.) CORAZON C. AQUINO
President of the Philippines
The Lawphil Project - Arellano Law Foundation