Republic of the Philippines
SUPREME COURT
Manila
EN BANC
G.R. No. L-47956             August 5, 1942
THE PEOPLE OF THE PHILIPPINES, plaintiff-appellant,
vs.
FERNANDO C. QUEBRAL, ET AL., defendants-appellees.
Assistant-Solicitor-General Reyes and Acting Solicitor Torres for appellant.
Primicias, Abad, Mencias and Castillo for appellees.
PARAS, J.:
This is an appeal from order of the Court of First Instance of Pangasinan sustaining the motion to quash an information charging the defendants-appellees with the offense of assault upon a person in authority, it being alleged by the Solicitor-General that the lower court erred in holding that the president of a sanitary division is not a person in authority or, at least, an agent of a person authority within a purview of article 148 of the Revised Penal Code.
The charge is that on or about the 12th day of July, 1940, the defendant-appellees feloniously assaulted and attacked Dr. Jose R. Sison, president of the 6th sanitary division, while he was engaged in the performance of his official duties, and caused upon him several physical injuries. We are of the opinion that such official is a person in authority or, at least, an agent of such person. Under the law he is, in addition to other duties towards the protection and preservation of public health and sanitation, expressly vested with the power to enforce all sanitary laws and regulations applicable in his division to cause and all violations of the same to be duly prosecuted. Though subject to the direction of the district health officer, the discharge of such legal duty is directly imposed by law upon him. Even if it be supposed, however, that the enforcement of all sanitary laws and regulations falls within the jurisdiction of the district health officer, the president of a sanitary division, in actually performing such duty in representation of the former logically becomes in his agent. Our conclusion finds a precedent in the case of People vs. Marquez, G.R. No. 41527, wherein it was held that a sanitary inspector is an agent of a person in authority.
The appealed order is therefore reversed and set aside, and the case remanded to the court of origin for further proceedings, without costs.
Yulo, C.J., Moran and Bocobo., JJ., concur.
Separate Opinions
IMPERIAL, M., kasang-ayon:1
Kasang-ayon ako ng nakararami ng Hukuman sa pagpapawalangbisa sa orden na ngayo'y pinaghahabol, at sa paguutos na ibalik ang usaping ito sa Hukumang Unang Dulugan upang doon ito ipagpatuloy.
Ang talatang ika 1006 ng Kodigo Administratibo Rebisado ay naguutos na ang kapangyarihan at mga katungkulan ng Pangulo ng isang Dibisyon ng Sanidad ay isasakatuparan sa ilalim ng pamamahala ng Puno ng Sanidad sa Distrito. Ang Punong ito and siyang nag-iinspeksyon at nagpapagganap, sa biglang turing, ng lahat ng gawain ng sanidad sa loob ng kaniyang distrito, sang-ayon sa isinasaad ng talatang ika 980 ng nasabing Kodigo. Walang alinlangan na ang mga talatang ito ay pinagtibay sa tanging hangad na magkaroon ng metodo at koordinasyon, at di dapat bigyang kahulugang and Puno ng Sanidad sa Distrito ay makapagaalis ng kapangyarihan at mga tungkulin ng isang Pangulo ng Dibisyon, kapangyarihan at tungkuling tiyak na iniatang ng batas sa nasabing Pangulo. Hindi rin masususugan o mababago ng nabanggit na Puno ang kapangyarihan at mga tungkuling yaon, gaya ng inspeksyong pangkalahatan ng kalinisan o kalagayang sanitario ng kaniyang Dibisyon, lakip dito ang mga tahanan at loobang ari ng bayan at ari ng mga mamamayan; gaya ng nagpapatupad ng mga batas at kautusan ng sanidad na may kinalaman sa kaniyang Dibisyon; gaya n pag-uusi ng mga paglaba sa nasabing mga batas at kautusan ng sanidad; gaya ng pagpapaalis ng lahat n makapipinsala sa kalusuan at kalinisan ng bayan at lahat ng sanhi ng isang tiyak na sakit o ikinamamatay ng mga mamamayan; gaya ng pagpapatupad ng mga kautusan pangloob ukol sa kuwarentenas sa mga munisipiong nasasakop ng kaniyang Dibisyon; at gaya ng pag-dalaw sa alin mang bahay o lugar na kinalalagyan ng isang maysakit o namatay sa sakit na nakahahawa at mapanganib, at gayon din ng pagpapatupad ng mga kautusang kailangan sa ikapipigil ng paglaganap ng nasabing sakit. Upang maisaganap ang nasabing mga katungkulan, ang Pangulo ng isang Dibisyon ng Sanidad ay tumutupad sa ilang tungkuling sarili ng Gobierno ng Kapuluang ito at gumaganti ng kaniyang sariling jurisdiccion, samakatuwid baga ay ng kaniyang sariling kapangyarihan o autoridad upang mamahala at magpatupad ng mga nasabing batas na siya ang may tungkuling magpaganap. (Pueblo contra Mendoza, 59 Jur. Fil., 175, no doo'y binabanggit and E. U. contra Smith, 39 Jur. Fil., 546.)
An pangyayaring noong ika 10 ng Hulio ng 1940, sa laboratorio ng mga nasasakdal ay nagsadya si Dr. Jose R. Sison, Pangulo ng Dibisyong Ikalima ng Sanidad sa Pangasinan, na taglay niya and isang sulat ng Kapulungan ng mga Sumusulit sa Parmasya na bigay sa kaniya ng Puno ng Distrito ng Sanidad, ay isang pagkakataon lamang na walang bigat o kinalaman sa usaping ito. Sa pagganap ng nabanggit na Pangulo ng kanyang sariling kapangyarihan at katungkulan, maari niyang gawin sa laboratoriong yaon ang talagang hangad niya sa pagsasadya doon, sa taglay man niya o sa hindi man ang sulat ng Kapulungan ng mga Sumusulit sa Parmasya.
Kung ang mga tinatawag na Ahente ng Autoridad ay yaon mga taong may tungkuling ipagsanggalang, sa utos ng batas o sa atas ng kinauukulang maykapangyarihan, ang kapayapaan ng bayan at ipagtanggol ang katiwasayan ng buhay at mga pagaari ng mamamayan (Pueblo contra Mendoza, 59 Jur. Fil., 175, na doo'y binabanggit ang E. U. contra Fortaleza, 12 Jur. Fil., 486), kung gayon, sa akin palagay, ang nasabing Pangulo ng Dibisyon ay isang Autoridad, at hindi matatawag na Ahente ng Autoridad.
Footnotes
1 Justice Imperial, Court of Appeals, took part in this case in place of Justice Ozaeta.
The Lawphil Project - Arellano Law Foundation