MALACAÑANG
RESIDENCE OF THE PRESIDENT
OF THE PHILIPPINES
Manila
BY THE PRESIDENT OF THE PHILIPPINES
Proklama Blg. 12
NAGPAPAHAYAG NA LINGGO NG WIKANG PAMBANSA ANG PANAHONG SAPUL SA IKA-29 NG MARSO HANGGANG IKA-4 NG ABRIL NG BAWA’T TAON
SAPAGKA’T, nilikha ang Surian ng Wikang Pambansa at may pinagtibay na mga batas na naaayon sa utosng Saligang batas na gagawa ng mga hakbang tungod sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na nasasalig sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo;
SAPAGKA’T, ang pambansang wikang Pilipino ay ipinahayag sa bisa ng Batas Blg. 570 ng Commonwealth na isa sa mga wikang pampamahalaan ng Pilipinas sapul nang ika-apat nia araw ng Hulyo, 1946; at
SAPAGKA’T, hinahangad na maibunsod ng buong sigla ng lahat ng mamamayan na lumahok sa pagbibigay-bisa sa utos ng Saligang batas na binanggit sa itaas;
NGAYON, DAHIL DITO, akong si Ramon Magsaysay, Pangulo ng Pilipinas, sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa, ay ipinahahayag na Linggo ng Wikang Pambansa ang panahong sapul sa ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril ng bawa’t taon, na dito’y napapaloob ang kaarawan ng kapanganakan ni Francisco Baltazar, ang bantog na kumatha ng "Florante at Laura." Tinatawagan ko ang lahat ng paaralang bayan at sarili, ang mga dalubhasaan at pamantasan, at ang mga ibang sangay ng kalinangan sa Pilipinas na ipagdiwang ang linggo ng wika sa angkop na paraan at ipakilala ang kanilang maalab na kalooban sa pagpapatibay ng lalong mabibisang hakbang sa pag-papalaganap ng pambansang wikang Filipino.
Ang proklamang ito ay pamalit sa Proklama Blg. 85 na may petsang Marso 26, 1946.
SA KATUNAYAN NITO, inilagda ko ang aking pangalan at ipinatatak ang selyo ng Republika ng Pilipinas.1âwphi1
Ginawa sa Lunsod ng Maynila, ngayong ika 26 ng Marso, sa taon ng ating Panginoon, isang libo, siyam-na-raan at limampu’t apat, at ikawalo ng Kasarinlan ng Pilipinas.
RAMON MAGSAYSAY
Pangulo ng Pilipinas
Inilagda ng Pangulo:
FRED RUIZ CASTRO
Kalihim Tagapagpaganap
The Lawphil Project - Arellano Law Foundation