MALACAÑAN PALACE
MANILA
BY THE PRESIDENT OF THE PHILIPPINES
[ Memorandum Sirkular Blg. 488, July 29, 1971 ]
NAG-AATAS SA LAHAT NG TANGGAPANG PAMPAHALAAN NA MAGDAOS NG PALATUNTUNAN SA PAGDIRIWANG NG LINGGO NG WIKANG PAMBANSA
Itinatadhana ng proklamasyon Blg. 186, serye 1955, na ang taunang pagdiriwang ng Linggong Wikang Pambansa ay Agosto 13-19.
Ang Wikang Pambansa ay mahalagang sangkap ng tunay na diwang makabayan, bukod sa ito’y kailangan sa tuwiran, magaan at praktikal na paraan ng talastasan ng pamahalaan at ng mga karaniwang mamamayan, bukod pa sa ito’y pinakamagaang kasangkapang magagamit sa ugnayang sosyal ng lalong malaking bahagi ng sambayanan.
Dahil dito, mulangayon at hanggang sa pagdating ng panahong di na kailangan ang ganitong pagdiriwang sa pagkat nakasapit na sa kanyang tugatog ang Wikang Pilipino, ang lahat ng mga pinuno ng mga kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaang nasyonal at local, sampu ng mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan, ay inaatasang magdaos ng palatuntunan sa Wikang Pilipino kahit isang oras man lamang, sa alinmang araw na napapaloob sa lingo ng pagdiriwang. Maaaring talakayin sa Wikang Pilipino ang ano mang paksang may kaugnayan sa tunay nakalayaan at kasarinlang Pilipino. Ang mga pinuno’t kawani ng pamahalaan maging sangay lehislatibo, hudikatura o ehekutibo ay nararapat lamang manguna sa pagdaraos ng simpleng palatuntunan sa kani-kanilang tanggapan.
Ang Kautusang ito’y magkakabisa sa Linggong Wika sa taong ito, Agosto 13-19, 1971.1âшphi1
Sa atasng Pangulo:
(LAGDA) ALEJANDRO MELCHOR
Executive Secretary
Maynila, Hulyo 29, 1971
The Lawphil Project - Arellano Law Foundation