MALACAÑAN PALACE
MANILA
BY THE PRESIDENT OF THE PHILIPPINES
[ Memorandum Sirkular Blg. 443, March 4, 1971 ]
NAG-AATAS NA MAGDAOS NG PALATUNTUNAN ANG MGA TANGGAPANG PAMPAMAHALAAN BILANG PAGGUNITA SA IKA-183 KAARAWAN NI FRANCISCO (BALAGTAS) BALTAZAR, SA ABRIL 2, 1971
Si Francisco Baltazar, na lalong kilala sa taguring Balagtas, may-akda ng walang kamatayang Florante at Laura, ay isa sa mga bayaning lahi. Itinuturing na tagapaglawag-landas ng Kilusang Propaganda, inilarawan niya sa kanyang tulain ang mga katangian ng kanyang bayan at ipinaloob doon ang kanyang Apat na Himagsik: laban sa masamang pamahalaan, balighon pananampalataya, masamang nakamihasnan ng lipunan, at mababang uri ng panitikan, na pawing angkop pa rin hanggang sa kasalukuyan.
DAHIL DITO, ang lahat ng pinuno ng mga kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaang nasyonal at lokal, pati mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan, ay inaatasang magdaos ng palatuntunang literary-musikal sa Pilipino, kahit tatlumpung (30) minute man lamang, sa Abril 2, bilang paggunita sa ika-183 kaarawan ni Francisco (Balagatas) Baltazar, sa paraang nagbibigay-diin sa mga aral na nakapaloob sa kanyang pasiya.1âшphi1
Sa atas ng Pangulo:
(SGD.) ALEJANDRO MELCHOR
Executive Secretary
Maynila, Marso 4, 1971
The Lawphil Project - Arellano Law Foundation