MALACAÑAN PALACE
MANILA
BY THE PRESIDENT OF THE PHILIPPINES
[ Memorandum Sirkular Blg. 368, July 2, 1970
NAG-AATAS NA MAGDAOS NG PALATUNTUNAN SA PAGDIRIWANG NG LINGGO NG WIKANG PAMBANSA.
Itinadhana ng Proklamasyon Blg. 186, serye 1995, na ang taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay Agosto 13-19.
Ang wikang Pambansa ay mahalagang sangkap ng tunay na diwang makabayan, at ito’y kailangan sa pagbubunsod sa mga mamamayan tungo sa napagbuong pambansang pagbabago.1âшphi1
Dahil dito, ang lahat ng pinuno ng mga kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaang nasyonal at lokal, sampu ng mga korporasyong pag-aari o kontrolado ng pamahalaan, ay inaatasang magdaos ng palatuntunan sa Pilipino, kahit tatlumpung (30) sandal man lamang, sa alinmang araw na napapaloob sa linggo ng pagdiriwang, na kaugnay sa paksang “Magkaisa sa Pagbabago.” Ang mga pinuno’t kawani ng pamahalaan ay kailangang manguna sa pagdaraos ng maikling palatuntunan sa mga pinaglilingkurang tanggapan.
Sa atas ng pangulo:
(SGD.) PONCIANO G.A. MATHAY
Pansamantalang Kalihim Tagapagpaganap
Maynila, Hulyo 2, 1970
The Lawphil Project - Arellano Law Foundation