EXECUTIVE ORDER NO. 343 June 12, 1996
ADOPTING THE "PANUNUMPA NG KATAPATAN SA WATAWAT" AS THE OFFICIAL PLEDGE OF ALLEGIANCE FOR ALL FILIPINOS
WHEREAS, we, as a nation, will commemorate the centennial of the proclamation of Philippine Independence on 12 June 1998 which celebration becomes more meaningful to the citizenry if their sense of history and nationhood is properly evoked;
WHEREAS, the "Panunumpa ng Katapatan sa Watawat" finalized by the National Commission for Culture and the Arts from a draft prepared by the Commission on the Filipino Language is a soul stirring pledge that we can all truly ours, evincing as it does, a sense of nationhood and the values that every freedom-loving and nationalistic Filipino ought to possess;
NOW, THEREFORE, I, FIDEL V. RAMOS, President of the Republic of the Philippines, by the powers vested in me by law, do hereby adopt and institutionalize the "Panunumpa ng Katapatan sa Watawat" as the official oath of allegiance for all Filipinos. I hereby direct each and every citizen to learn the "Panunumpa ng Katapatan sa "Watawat", reflect upon its words and take to heart the dedication to nationhood that the pledge contains:
Ako ay Pilipino
Buong katapatang nanunumpa
Sa watawat ng Pilipinas
At sa bansang kanyang sinasagisag
Na may dangal, katarungan at kalayaan
Na pinakikilos ng sambayanang
Maka-Diyos,
Maka-tao, at
Makabansa.
This Executive Order takes effect immediately. lawphi1.net
DONE in the City of Manila, this 12th day of June in the year of Our Lord, Nineteen Hundred and Ninety-Six.
KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 343
PINAGTITIBAY ANG "PANUNUMPA NG KATAPATAN SA WATAWAT" BILANG OPISYAL NA PANATA NG KATAPATAN PARA SA LAHAT NG PILIPINO
SAPAGKAT, gugunitain natin, bilang isang bansa, ang ikasandaan taon ng pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas sa 12 Hunyo 1998 na ang pagdiriwang ay lalong magiging makabuluhan sa mga mamamayan kung maaayos na mapalulutang ang kanilang pagpapahalaga sa kasaysayan at kabansaan;
SAPAGKAT, ang "Panunumpa ng Katapatan sa Watawat" na binuo ng Pambansang Komisyon sa Kultura at mga Sining mula sa isang burador na inihanda ng Komisyon sa Wikang Filipino ay isang makapukaw-damdaming panata na matatawag na tunay na atin, nagpapamalas ng diwa ng kabansaan at ng mga pagpapahalagang dapat angkinin ng bawat isang Pilipinong makabayan at nagmamahal sa kalayaan;
NGAYON, SAMAKATUWID, AKO, IS FIDEL V. RAMOS, Pangulo nga Republika ng Pilipinas, sa bisa ng mga kapangyarihang kaloob sa akin ng batas, ay nagpapatibay at nagsasatatag sa pamamagitan nitong "Panunumpa ng Katapatan sa Watawat" bilang opisyal na panunumpa ng katapatan ng lahat ng mga Pilipino.
Inaatasan ko ang lahat at bawat isang mamamayan na pag-aralan ang "Panunumpa ng Katapatan sa Watawat", limiin ang mga salita nito at isapuso ang pagtatalaga sa kabansaan na nilalaman ng panata:
Ako ay Pilipino
Buong katapatang nanunumpa
Sa watawat ng Pilipinas
At sa bansang kanyang sinasagisag
Na may dangal, katarungan at kalayaan
Na pinakikilos ng sambayanang
Maka-Diyos,
Makakalikasan
Makatao, at
Makabansa.
Ang Kautusang Tagapagpaganap na ito ay magkakabisang kagyat.
GINAWA sa Lungsod ng Maynila, ngayong ika-12 ng Hunyo sa taon ng Ating Panginoon, Labinsiyam na Raan Siyamnapu't Anim.
The Lawphil Project - Arellano Law Foundation